Protesta ng Lung Center health workers: ‘Asan na ang hazard pay namin?

Protesta ng Lung Center health workers: ‘Asan na ang hazard pay namin?

July 27, 2020 @ 8:15 AM 1 week ago

Share

Manila, Philippines – Nagsagawa ng protesta ang mga kawani at medical staff ng Lung Center of the Philippines matapos ang isinagawang flag ceremony kaninang umaga dahil hindi pa umano nila natatanggap ang kanilang hazard pay at nga pangakong benepisyo.

Pinangunahan ng unyon ng mga manggagawa ang pagkilos upang maiparating ang kanilang tunay na kalagayan, partikular ngayon panahon ng pandemya.

Tinawag na mga opisyal ng unyon ang kanilang aktibidad na isang ‘Dine in Protest’

Nabatid na ang ilan sa hinaing ng mga kawani at health frontliners ng ospital ay ang kanilang hazard pay na hindi pa rin nila natatanggap.

Anila, hindi sila natutuwa sa pulos press release at mga interbyu ng mga opisyal ng ospital pero hindi naman inilalabas ang tunay na sitwasyon ng kanilang manggagawa.

Sinunod naman ng mga nagprotesta ang physical distancing at iba pang ipinatutupad na safety health protocols. Januario Sinocruz

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...