Protesta sa CHR nauwi sa balyahan

Protesta sa CHR nauwi sa balyahan

May 25, 2022 @ 4:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nauwi sa balyahan at girian sa pagitan ng mga kapulisan at milatanteng grupo  na nagsagawa ng kilos -protesta sa harap ng Commission on Human Rights (CHR) upang tutulan ang proklamasyon nina presumptive President Ferdinan ‘Bongbong’ Marcos Jr. at  Vice President Sara Duterte sa Quezon City, kaninang umaga.

Lumabalabas na nagkaroin ng tensyon ng hindi payagan ng mga awtoridad  na makalabas ng compound ang mga militanteng grupo para makapag- martsa patungong Batasan Complex kung saan nagaganap ang canvassing.

Sa unang pagtatangka, nagkaroon ng tulakan sa panig ng mga pulis at raliyista kaya’t napilitan silang bombahin ng tubig ang mga milatnteng grupo kung saan ioa  sa kanila ay nagtamo ng pinsala sa katawan.

Ayon kay Anonas Police Station 9 ng Quezon City Police District (QCPD), hindi nila papayagang makapunta sa Batasan complex ang grupo ng mga militante para doon magdaos ng rally.

Napagalaman na wala din kaukulang permit ang mga nag-protesta kaya pwede itong arestuhin ng mga pulis.

Samantala, Lahat ng mga sasakyan na dumadaan na papuntang bahagi ng Fairview ay isa -isang iniinspeksyon ng pulisya .

Gayunman, hahayaan na lang ng mga pulis ang mga militanteng grupo na magprograma hanggat gusto nila pero sa bakuran laman ng CHR.

Tinuligsa naman ng mga demonstrador ang nangyaring tulakan at balyahan na humantong sa pambobomba ng tubig ng bumbero at papanagutin aniya nila ang mga  responsable kung saan ilan sa mga raliyista ang nasaktan.

Handa naman ang QCPD na harapin at   sagutin ang anumang reklamo na ihahain laban sa kanila

Kabilang sa mga nag-rally ang Youth Group Student Christian Movement of the Philippines (SCMP).

“Another Marcos-Dueterte administration is nothing but a vile continuation of tyrannical and oppresive regimes that are the apex of dirty politics in the Philippines,” pahayag ni blast Kej Andres, national spokeperson ng SCMP. Jan Sinocruz