Protesta salubong sa paggunita ng martial law

Protesta salubong sa paggunita ng martial law

September 21, 2020 @ 2:43 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iba’t ibang militanteng grupo ang nagsagawa ng kilos-protesta at aktibidad kasabay ng ika-48 pag-alala sa deklarasyon ng Batas Militar ng dating diktador at Pangulong Ferdinand Marcos noong Setyembre 21,1972.

Dala ang mga plakard at sigaw ang mithiin hindi na dapat maulit pa ang pagdedeklara ng  Batas Militar sa Pilipinas ay nagsagawa ng pagkilos ang ilang grupo sa Bantayog ng mga Bayani at sa tanggapan ng Commission On Human Rights.

SAMANTALA, hindi naman nagtagal ang ilang grupong nag-rally sa Mendiola na nanawagan ding ibasura na ang “Anti- Terrorism Law” kasabay ng anibersaryo ng martial law. Kuha nina D. Querubin, J. Mabanag


  •  
  •  
  •  

Loading...