Protesters hinarang ng mga pulis sa tangkang kilos-protesta sa US Embassy

Protesters hinarang ng mga pulis sa tangkang kilos-protesta sa US Embassy

May 22, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagkaroon ng tensyon sa bahagi ng United Nations Avenue nitong Sabado ng hapon matapos harangin ng mga pulis ng Manila Police District ang grupo ng mga aktibista na magpo-protesta sa harap ng US Embassy.

Patungo ang mga raliyista sa US Embassy nang harangin ng mga pulis ang daan patungo sa corner ng U.N. Avenue at M.H. Del Pilar Street, ayon sa ulat.

Nagkaroon ng komosyon na nagresulta sa banggaan ng mga pulis at aktibista, kung saan idinitine ang mga magpo-protesta, kabilang ang isang estudyante.

Base sa MPD, pumalya ang protesters na magpakita ng rally permit mula sa Manila local government unit, maging ng kanilang IDs.

“We condemn the violent dispersal of activists at the US Embassy in Manila today. The protest was in time for US President Joe Biden’s visit to South Korea and Japan. The US is again seeking to fortify its foothold in the region through various security arrangements, military exercises and military aid,” pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

“It is for this reason that Biden was quick to congratulate Ferdinand Marcos, Jr. despite the massive fraud, disinformation and vote-buying that marked the 2022 elections,” sabi pa ng militantanteng grupo.

Iginiit ng Bayan na walang karapatan ang mga pulis na pigilan ang isang peaceful protest kahit na walang permit. RNT/SA