Provincial buses pwede sa EDSA mula Dec. 24 – Jan. 2, 2023 – MMDA

Provincial buses pwede sa EDSA mula Dec. 24 – Jan. 2, 2023 – MMDA

December 23, 2022 @ 7:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 22 na papayagan nilang dumaan sa EDSA ang mga provincial buses.

Ito ay upang bigyang-daan ang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.

Ayon sa MMDA, maaaring dumaan sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada ang mga provincial buses simula Sabado, Disyembre 24 hanggang sa Enero 2, 2023 upang makarating ang mga ito sa terminal ng tama sa oras.

“Provincial buses coming from North Luzon shall terminate their trips at the bus terminals in Cubao, Quezon City. Provincial buses coming from South Luzon shall terminate their trips at the bus terminals in Pasay City,” ayon sa abiso ng MMDA.

“This is to allow the provincial buses to accommodate the expected influx of passengers going to the provinces for the holiday season and ensure the convenience and comfort of the commuters,” dagdag pa. RNT/JGC