Proyekto na Dumaguete reclamation ng China, malabo na – grupo

Proyekto na Dumaguete reclamation ng China, malabo na – grupo

August 5, 2022 @ 6:36 PM 3 days ago


WALANG pag-asa na muling mabuhay pa ang proyektong reclamation sa Dumaguete, ayon sa isang grupong kontra sa proyekto.

Sinabi ni Gary Rosales, tagapagsalita ng grupong kontra sa proyekto,  mahihirapan ang alkalde ng Dumaguete na muling mailahad ang proyekto dahil karamihan sa miyembro ng city council ay kontra rito.

“Marami sa mga nanalong konsehal ay tumakbo ilalim ng NoTo174Reclamation,” ayon kay Rosales sa isang pahayag.

Iginiit pa ni Rosales na maging ang bagong gobernador ng Dumaguete ay kontra sa reclamation.

ÔÇťAlso may problema ang real estate sector ng China,ÔÇŁ pahayag niya.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng grupo, matapos ang kumpirmasyon ng Philippine Reclamation Authority, ang reclamation project ng Guandong-based Poly Changda Overseas Engineering Co, ay biglang nawala sa listahan ng ÔÇťconsidered projectsÔÇŁ ┬áng PRA┬ádahil sa matinding pagtutol ng mamamayan ng nasabing lugar.

Ang pagkapanalo ng 10 kagawad ng konseho ng Dumaguete City laban sa kampo ng Lupad nang nahalal muli na si Mayor Felipe Antonio Remollo  ay patunay na ayaw ng mamamayan sa174-hectare Smart City reclamation project  na isinusulong ng alkalde.

Ang reclamation project na naging pangunahing isyu noong halalan ay inayawan ng lokal na mamamayan.

Ang lokal na halalan na may pito sa sampung miyembro ay kontra sa proyekto kaya’t mahihirapan ang alkalde na maipatupad ito.

Nakasaad sa batas na kailangan ng mayor ang pagpayag ng city council sa pagpapatupad ng proyekto lalo na yung may mga pinapasok na kontrata.

Ang P23 bilyong proyekto ay pag-aari ng EM Cuerpo, isang local construction firm.

Kwestyunable sa mga kritiko ang construction firm dahil sa umano’y financial capacity nito sapagkat ang net assets ay nasa P1.4 billion ┬álang noong 2020.

Ang pagpasok ng Guandong-based Poly Changda Overseas Engineering Co. bilang sub-contractor ng EM Cuerco ay mas higit na nagbigay ng pagdududa sa mga tao na ang  P23 billion reclamation project ay pinondohan ng kapitalista mula sa China.

Ang Poly Changda Overseas Engineering Co. Ay pinapatakbo ng pamahalaan ng China. RNT