Proyektong pangkabuhayan, tuloy-tuloy sa Navotas

Proyektong pangkabuhayan, tuloy-tuloy sa Navotas

October 14, 2022 @ 9:09 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa ika-100 araw na panunungkulan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ay nakapagbigay ito ng mga proyektong pangkabuhayan sa mga residenteng Navoteño sa lungsod.

Umabot sa 3,685 Navoteños ang nakakuha ng short-term employment sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Worker (TUPAD) habang 40 sa mga ito ang nakinabang mula sa Navotas Government Apprenticeship Program at 37 ang napabilang sa Government Internship Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Samantala, katuwang ng lungsod ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagbigay ng mga gamit sa pangingisda tulad ng fishing nets, bottom set gillnets na may nylon monoline, lead sinkers at hard rubber floats sa 20 rehistradong mangingisda habang 450 na may mga bangka ang nakatanggap ng fuel subsidy mula sa ahensya at nakapagbigay rin ang Navotas ng mga oportunidad sa mga negosyante ng hands-on skills training at mga seminars.

Ang NavoTaas Hanapbuhay Center ay naglunsad ng Hanapbuhay Caravans at Tulong Trabaho on Wheels para sa 905 benepisyaryo nito na umani ng mga skilled workers mula sa nagtapos na 328 estudyante sa Navotas Vocational Training And Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Namahagi din ng P1,000–P3,000 livelihood assistance sa Navoteños sa ilalim ng NavoAhon Ayuda program.

Ilan sa 400 na benepisyaryo ay mga displaced workers; 105 delivery riders, at jeepney, tricycle at pedicab drivers; 21 naman na nagtapos taong 2020-2021; 60 negosyante naman na hindi pinayagang muling magbukas ng negosyo noong kasagsagan ng pandemya at 180 na bagong may ari ng mga negosyo.

“We cannot emphasize enough the significance of having gainful employment and stable income,” ani Mayor Tiangco.

“We will continue to push for more programs and service that would help provide more decent jobs and livelihood opportunities to Navoteños,” dagdag pa ng alkalde. R.A Marquez