Bagyong #CaloyPH magpapaulan sa Pinas

June 29, 2022 @6:45 AM
Views:
19
MANILA, Philippines – Ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure are at pinangalanan ito ng PAGASA na bagyong Caloy.
Ang Tropical Depression Caloy ay patuloy na gumagalaw nang mabagal sa West Philippine Sea nitong Miyerkules at magpapalakas ng Southwest Monsoon (Habagat), dagdag pa ng PAGASA.
Bandang alas-3 ng madaling araw ng Miyerkules, namataan ang sentro ng Tropical Depression Caloy sa layong 395 kilometro kanluran ng Iba, Zambales na may lakas na hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras at mabagal na kumikilos pakanluran, iniulat ng PAGASA.
Sa susunod na 24 na oras, ang monsoon trough at ang southwest monsoon na pinahusay ni Caloy ay magdadala ng monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ang Bataan, Zambales, Palawan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Aurora at Quezon ay magkakaroon ng monsoon rains na dulot ng monsoon trough at southwest monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa kalat-kalat hanggang sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas, at Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa monsoon trough at southwest monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.
Walang tropical cyclone wind signal ang kasalukuyang nakataas para kay Caloy ayon pa sa weather bureau.
Sumikat ang araw bandang 5:30 ng umaga at lulubog mamayang 6:29 ng gabi. RNT
Toni, bibida sa National Anthem ng Pinas sa inagurasyon ni Pres-elect BBM!

June 28, 2022 @8:00 PM
Views:
63
Manila, Philippines – It’s confirmed!
Ang TV host na si Toni Gonzaga na nga ang kakanta ng Philippine National Anthem sa inauguration ng President-elect Bongbong Marcos as the 17th president of the Philippines on June 30 sa National Museum.
Sabi pa sa report, si Chris Villonco naman ang kakanta ng inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.
Ayon pa kay Franz Imperial, member ng preparation committee, ang magaganap na inauguration ay solemn and simple.
“The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,” sabi ni Fritz.
Ang oath-taking ni President-elect BBM ay ia-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo. Joey Sarmiento
Angelu, goodbye na sa teleserye at pelikula!

June 28, 2022 @7:45 PM
Views:
62
Manila, Philippines – May binitiwang pangako ang ngayo’y Pasig City Councilor na si Angelu de Leon.
Sana lang, mapangatawanan niya na hindi na raw siya gagawa ng mga teleserye o pelikula hangga’t nasa puwesto.
Angelu got the highest number of votes sa pagka-konsehal to think na unang sabak pa lang niya sa local politics.
Hindi naman nangiming aminin ni Angelu na kailangan din naman niyang kumita.
Pero tama na raw sa kanya ang mga guest appearances, hindi ‘yung showbiz work that requires long hours.
Iro raw ang self-commitment niya para sa Pasig City.
Aminado si Angelu na siya mismo ang lumapit at nag-apply bilang kandidato sa puwesto sa ilalim ng partidong kinabibilangan ng muling nanalong mayor na si Vico Sotto.
At bahagi nga ng kanyang pangako ay tumutok sa mga pangunahing isyu sa siyudad.
Wish ng marami’y tuparin ni Angelu ang pangakong binitiwan.
Ikinalungkot naman ng political greenhorn na ang katambal niya dati na si Bobby Andrews ay natalo sa pareho ring puwesto.
Ani Angelu, marami raw magagawa si Bobby had he won.
Pero may susunod pa naman daw eleksyon. Ronnie Carrasco III
Ken, feeling senti sa pagbubuntis ni Rita!

June 28, 2022 @7:30 PM
Views:
61
Manila, Philippines – Just a day after Rita Daniella announced that she is pregnant, bumuhos ang tanong sa social media, “Sino ang ama?”
A lot of RitKen fans were hoping that it was Ken Chan who impregnated Rita pero aside from the latter denying it and telling people that it is a non-showbiz personality ay huminto na rin ang pag-asa ng fans.
Sa kabila ng mga hinala at tanong, nagbigay ng mensahe si Ken kay Rita sa pamamagitan ng isang tweet.
“To you and your baby, I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support, and love to surround you and your baby.
“As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I am so proud of you,” saad ni Ken sa kanyang tweet kasama ang photo ni Rita wearing a white dress, holding her baby bump.
Tinawag mang friend ni Ken si Rita, marami pa rin ang kinilig lalo’t bibihira ang ganitong uri ng friendship.
Naihalintulad pa nga ang dalawa sa relasyon nina Eric Santos at Angeline Quinto sa isa’t-isa.
Congrats, Rita.
For sure, like other celebrities, she is just waiting for the perfect time to introduce the father of her baby to the public.
Fans, be patient! Paula Jonabelle Ignacio
Hyun Bin at Son Yejin, magkaka-baby na; Netizens, excited sa gender reveal!

June 28, 2022 @7:15 PM
Views:
55