PRRD: ‘Corruption is endemic’

PRRD: ‘Corruption is endemic’

June 27, 2022 @ 6:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes na hindi kayang pigilan ang korapsyon sa pamahalaan.

Ito ang naging pahayag niya tatlong araw bago matapos ang termino sa Hunyo 30.

“Corruption is endemic. It cannot be stopped but it can be minimized,” pahayag ni Duterte sa oath taking ng local officials sa Davao City.

“It is hard to stop the corrosive effect of money upon the person,” dagdag niya.

Ipinangako rin ni Duterte na wawakasan ang droga at krimen sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan subalit kalaunan na ang mga naturang problema ay laganap at nagkamali siya sa naunang pahayag.

Sinabi ni Duterte noong Hulyo 2021 na hindi kayang agad na wakasan ang korapsyon subalit may naiambag siya upang labanan ito. RNT/SA