PRRD ilalaan ang oras sa pamilya pagkatapos ng termino — Nograles

PRRD ilalaan ang oras sa pamilya pagkatapos ng termino — Nograles

December 15, 2021 @ 5:30 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Matapos ang apat na dekada sa public service, pormal na magreretiro na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa politika.

Sa katunayan ay umatras na rin ito na tumakbo sa pagka-senador sa pamamagitan ng pagwi-withdraw ng kanyang Certificate of Candidacy (COC).

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ilalaan ng Pangulo ang kanyang oras at panahon sa kanyang pamilya at i-enjoy ang pribilehiyo bilang private citizen.

Giit ni Nograles, personal decision ng Pangulo ang pag-atras nito na tumakbo sa pagka-senador kasunod ng pag-atras naman sa presidential race ni Senador Christopher “Bong” Go.

“Syempre, as a retired government worker siya po ay babalik sa kanyang private life and spend time with his family,”ayon kay Nograles.

Itinanggi naman ni Nograles na ang desisyon ng Pangulo na umatras na tumakbo sa pagka-senador ay para lituhin ang publiko at mga kandidato.

Sa katunayan, ang supporters, political parties, at maging ang mga politicians mula sa iba’t ibang partido ay kinukumbinsi ang Chief Executive na tumakbo at ipaatuloy ang kanyang pagseserbisyo sa mga tao.

“Even after he filed, ‘di ba maraming mga kandidato , political parties are already endorsing him for Senate. So, marami talaga, nandoon iyong pressure na gusto nila magpatuloy si Pangulong Duterte but at the end of the day, it is always personal choice for any who runs or files candidacy in whatever position,” ayon kay Nograles.

At dahil ngayon aniya na hindi na kailangang sumama ang Pangulo sa campaign trail, opisyal na magsisimula sa Pebrero ay makakapag-focus na aniya ang Pangulo sa COVID response.

“He can focus more on safely reopening our economy, he can focus more on continuing, if not stepping up more of the public service.”

“Lahat ng pagbabago, lahat ng mga magagandang programa na nasimulan niya ay kaya na niyang, mas lalo pa niyang masigurado na, these are all put in place and implemented towards the end of his term as president,” dagdag pa nito.

Nais din aniya ng Pangulo na “we will have peaceful, transparent, and fair elections this coming May 2022.”

Samantala, makabubuting hintayin ng publiko kung sino ang ie-endorso ng Pangulo bilang kanyang successor. Kris Jose