PRRD ipinatigil na ang deployment ban sa healthcare workers

PRRD ipinatigil na ang deployment ban sa healthcare workers

November 21, 2020 @ 2:01 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatigil ng deployment ban sa healthcare workers.

Dahil dito, malinaw na maaari nang makapagtrabaho sa ibang bansa ang libu-libong nurse sa Pilipinas.

“The president already approved the lifting of the temporary suspension of deployment of nurses and other medical workers,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello.

Sinabi ng Kalihim na ang pagkalat ng novel coronavirus ay bumabagal na sa bansa at ang kondisyon ay bumubuti kaya’t makakaya na ng pamahalaan na hayaan ang mga healthcare workers na mangibang-bansa at magtrabaho.

Ang Pilipinas ay mayroong second-highest number ng kaso ng COVID-19  at bilang ng mga namatay  sa  Southeast Asia, subalit ang  daily case numbers at  death rates ay bumaba.

“To ensure the Philippines has enough medical professionals to continue to fight the pandemic at home, only 5,000 healthcare workers will be allowed to leave every year,” ayon kay Bello.

“We are starting only with a cap of 5,000 so we will not run out (of medical workers), but this may increase eventually,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

Noong nakaraang taon, may 17,000 nurses ang lumagda sa  overseas work contracts data mula sa Commission on Higher Education at Philippine Overseas Employment Administration.

Nitong Abril ay nagdesisyon naman ang pamahalaan na pagbawalan ang  mga nurses, doktor at iba pang  medical workers na mangibang-bansa sa katuwirang kailangan ang mga ito para makatulong na labanan ang   coronavirus crisis.

Libong health workers, na tinawag ang kanilang mga sarili na  “priso-nurses”, ang umapela sa gobyerno na payagan silang makapag-trabaho sa ibang bansa. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...