PRRD kumpletong bakunado na vs COVID – PSG Durante

PRRD kumpletong bakunado na vs COVID – PSG Durante

June 25, 2021 @ 2:09 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

DEVELOPING STORY – Pumiyok ang pinuno ng tagapagsiguro ng seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa lagay ng pagpapabakuna ng Pangulo laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Security Group Commander Jesus Durante na nakumpleto na ng Pangulo ang kanyang ikalawang dose ng bakuna.

 

Aniya, dahil sa sunod-sunod ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte kaya’t kailangan na mabigyan na ito ng kanyang 2nd dose ng bakuna.

 

“Si Pangulo po ay vaccinated na po siya, at napakahalaga po nito, para lalo namin siyang maingatan, lalo na magagawa niya nang maayos at tuloy-tuloy ang kaniyang tungkulin, upang makapaglingkod sa ating mga kababayan,” ayon kay Durante.

 

Nangyari aniya ito matapos ang 14 na araw mula nang mabigyan ng first dose ng Sinopharm si Pangulong Duterte.

 

“Opo, at nai-televise naman iyon. Yeah, fourteen days after yung activity, nagkaroon po siya ng second dose,” anito.

 

“So simula noong mag-start pa lang ang pandemic, we have remained consistent sa strict enforcement ng aming security, as well as health and safety protocols. We never put our guards down from the very beginning. And we are proud to say that the President remains safe from the virus,” dagdag na pahayag ni Durante.

 

Matatandaang Sinopharm ang itinurok kay Duterte sa ilalim ng compassionate use permit.

Humingi pa nga ito ng paumanhin sa taumbayan matapos na mahiya umano dahil wala pang emergency use authorization ang nasabing bakuna sa COVID-19 sa bans ana iginagawad ng Food and Drug Administration.

 

Wala pa namang opisyal na pahayag ang Malakanyang dito. RNT


  •  
  •  
  •