PRRD nagbabantay sa bagyong Quinta – Bong Go

PRRD nagbabantay sa bagyong Quinta – Bong Go

October 26, 2020 @ 2:47 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakatutok at patuloy na naka-monitor si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sitwasyon ng mga lugar na hinambalos ng matindi at malakas na hangin at ulan na dala ng bagyong Quinta.

Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go  na patuloy na nakatatanggap ng updates ang Pangulo mula sa kanyang Cabinet officials kabilang na sina kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“Nagkausap po kami kagabi ni Pangulong Duterte at siya po’y naka-monitor sa pananalasa ng Bagyong Quinta sa iba’t ibang rehiyon, sa lalawigan dito po sa Luzon at Visayas,” ayon kay Go sa Laging Handa public briefing.

Aniya, tinitiyak ng Chief Executive sa publiko na handang tumulong ang mga ahensya ng pamahalaan sa mga lugar na apektado ng nasabing bagyo sa pamamagitan ng pagkumpuni ng mga nasirang tulay at iba pang imprastraktura, pagpapanumbalik sa suplay ng kuryente at pamamahagi ng relief goods at medisina.

Samantala, napanatili ng bagyong “Quinta” ang lakas nito, Lunes at kasalukuyang nananalasa sa timog-bahagi ng Luzon, ayon sa huling ulat ng PAGASA.

Bandang 7 a.m. nang matagpuan ang mata ng bagyo sa Mamburao, Occidental Mindoro habang may dalang hanging aabot sa 125 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Meron itong bugsong papalo hanggang 180 kilometro kada oras at kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kilometro kara oras.

“Tinatayang mamamataan ang mata ng Typhoon ‘Quinta’ sa West Philippine Sea sa susunod na oras,” wika pa ng state weather bureau sa Ingles.

“Pipihit naman ito pa-kanluran-hilagang kanluran habang napapanatili ang bilis nito patungo sa hangganan ng Philippine Area of Responsibility (PAR).”

Kahit typhoon na, maaaring pa itong mulakas lumakas pagdating ng West Philippine Sea.

Nakikitang makakalabas ng PAR ang bagyo bukas nang umaga. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...