PRRD nagbigay-pugay sa med frontliners ngayong Rizal Day

PRRD nagbigay-pugay sa med frontliners ngayong Rizal Day

December 30, 2021 @ 12:02 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagbigay-pugay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga frontliners na itinuturing ngayong modern-day heores ng bansa.

Sa naging mensahe ng Pangulo sa isinagawang paggunita sa Rizal Day, araw ng Huwebes ay sinabi nito na “Today, as we celebrate the life and works of Dr. Jose Rizal, let us also honor our modern-day heroes who are at the frontlines. Let us emulate his wisdom and courage in our own simple ways as we pursue a better and brighter future for all.”

Aniya, lalong lumabas ang kabayanihan ng marami nang mangyari ang pandemya na nanalasa sa buong mundo.

Tumindig aniya ang pagiging bayani ng marami, sukdulang ibuwis at ilagay sa peligro ang kanilang buhay maipakita lamang ang pagmamalasakit sa kanilang kapwa.

“Indeed, true heroes give their lives for love of country and of our people. This heroism has become more manifest when the COVID-19 pandemic swept the whole world. People of unmatched boldness and compassion stood and fought against the odds brought by the disease in order to help save lives, even while risking their own.”

Hinikayat ng Pangulo ang lahat na sanay tularan ang ipinamalas ding tapang at pagiging makabayan ni Gat. Dr. Jose Rizal na tinindigan ang ideyalismo nito at ibinigay ang kanyang buhay alang- alang sa bayan.

“I join all Filipinos here in the Philippines and in various parts of the world in celebrating the life and legacy of our beloved hero, Dr. Jose Rizal,” saad pa nito.

“As we commemorate Rizal’s contribution to our freedom and self-determination, may we continue to honor him by exemplifying patriotism and idealism in all our endeavors as well as by fostering a greater sense of nationalism among the Filipino youth.”

Kaninang umaga ay pinangunahan ng Chief Executive ang paggunita ng Rizal day sa Pambansang Bantayog ni Jose Rizal, Liwasang Rizal, Lungsod ng Maynila.

May temang “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan at Buhay” (Rizal: For Science, Truth, and Life), ang paggunita ngayong taon ay kasabay ng mga seremonya sa iba’t ibang monumento sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nagsimula ang seremonya sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas na sinabayan ng pagtugtog sa Pambansang Awit ng Pilipinas ang Lupang Hinirang.

Nag-alay din ang Pangulong Duterte ng bulaklak sa bantayog ng Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal.

Samantala, dumalo at nakiisa naman sa seremonya sa Maynila sina National Historical Commission of the Philippines chairperson Dr. Rene Escalante, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, MMDA chair Benhur Abalos, at Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Andres Centino.

Dumalo rin sa nasabing event sina presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno at Senator Bong Go. Kris Jose