PRRD nagpasalamat sa Japan sa donasyong 1.1M AstraZeneca vax

PRRD nagpasalamat sa Japan sa donasyong 1.1M AstraZeneca vax

July 9, 2021 @ 7:34 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang gobyerno ng Japan at si Prime Minister Yoshihide Suga dahil sa ginawa nito na masiguro na magkaroon ng equitable access ang gobyerno ng Pilipinas sa COVID-19 vaccines.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati na malayo ang mararating ng mahigit sa isang milyong doses na AstraZeneca vaccine na donasyon ng Japan sa laban ng bansa para makamit ang herd immunity.

“Japan continues to be our strong partner in various development programs. Our cooperation in fighting the pandemic is truly an indication of the deep friednship between our two countries,” ayon sa Pangulo.

Pinuri naman ng Chief Executive ang National Task Force Covid-19 at ang Department of Health sa pagtiyak na magiging matagumpay ang delivery, distribution at rollout ng mga bakunasa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Let me assure everyone that throughout our vaccination rollout we will prioritize the safety and quality of all vaccines that we are distributing across the country,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

Aniya pa, aktibong nagsasama-sama ang mg health authorities at ang international counterparts nito para patuloy na pag-aralan ang kaligtasan at epektibo ng bakuna.

“Again, I express my heartfelt gratitude to Japan for all of the assistance you have extended to our country during these challenging times. By providing cold chain transport and ancillaries, you have enabled us to ensure the safe and efficient transport of these vaccines and preserve its quality and integrity,” ayon kay Pangulong Duterte.

At para naman sa mga mamamayang filipino, tiniyak ng Pangulo na mananatiling committed anng pamahalaan na makakuha ng sapat na suplay ng ligtas at epektibong Covid-19 vaccines.

Kaya nga, hinikayat nito ang lahat na magpabakuna na at tumulong na mapigilan na kumalat pa ang virus.

Kailangan aniyang ipagpatuloy ang “safety rules and health protocols” kahi bakunado na.

“Together let us beat the pandemic and ensure our way towards a better and brighter tomorrow. Mabuhay kayong lahat,” ang pahayag ni Pangulong Duterte. Kris Jose