PRRD sa illegal loggers, NPA: Tumulong sa mga natumbang puno sa Odette-hit areas

PRRD sa illegal loggers, NPA: Tumulong sa mga natumbang puno sa Odette-hit areas

January 25, 2022 @ 3:39 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “small-time” illegal loggers at miyembro ng New People’s Army (NPA) na tumulong sa pagputol sa mga bumagsak na puno sa mga lugar na labis na tinamaan ng bagyong Odette.

“I am encouraging the illegal loggers, ‘yung mga small time, go back there. Somebody will take a census or whatever and make it a formal document, at ako ang magbayad sa trabaho ninyo. I will get it somewhere, sa opisina ko, opisina ko na ang magbayad,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes.

Ani Pangulong Duterte, ang illegal loggers na nais na tumulong sa pamahalaan na magputol ng mga bumagsak na puno ay kailangan na kumuha ng certification mula sa Department of Environment and Natural Resources.

“If you go there to cut fallen trees for the benefit of the people there, I will pay you. Tapatan ko ang bayad ng Maynila doon. Mag-akyat kayo sa bukid, tulungan ninyo ang gobyerno,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Gayundin, hinimok ng Chief Executive ang mga miyembro ng NPA na sumuko sa pamahalaan at tumulong sa pagputol samga bumagsak na puno.

“Ang mga NPA, hoy, makinig kayo, ibaba ninyo muna ang armas, ibigay ninyo sa Army for safekeeping and tell them, ‘Ibibigay ko ito, surrender ko lang kasi may trabaho ako para kay Duterte,” ayon sa CHief Executive.

“Sabihin mo sa sundalo, magsurrender ako sir, may dala akong ano dahil magtrabaho ako na I cut trees. Baka I will accept you, walang kaso, wala lahat. Wala akong ifile sa inyo. Bumaba kayo. This is my order to the military: If they want to surrender, give them the chance to surrender properly.”

Samantala, nangako naman ang Pangulo na magbibigay ng pabahay at skills training para sa mga miyembro ng NPA na susuko sa pamahalaan. Kris Jose