PRRD: Senado, Kamara dapat kumilos, COVID response fund sa 2022 nat’l budget ‘pag kinapos

PRRD: Senado, Kamara dapat kumilos, COVID response fund sa 2022 nat’l budget ‘pag kinapos

December 31, 2021 @ 10:39 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Tiwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mayroong inisyatibo ang dalawang Kapulungan ng Kongreso sa sandaling hindi kayanin ng 2022 budget sa COVID-19 ng gobyerno ang pagtugon nito sa pandemya.

Ang pangamba ng Pangulo ay baka mawalan ng elbow room ang budget allocation sa 2022 dahil sa Omicron variant.

Sakali aniya na magsikip ang budget na itinabi para sa pagtugon sa COVID 19 sa susunod na taon, panibago na naman aniya itong problema na kakaharapin ng bansa.

Aniya, bagama’t may bagong budget ay hindi aniya maiaalis na siya’y mangamba lalo na’t ang nabibigyang diin ng Presidente tungkol sa Omicron ay mabilis itong makapanghawa.

Bahala na aniya ang Kongreso tungkol dito gayung sila naman umano ang may hurisdiksiyon kung pag- uusapan ay budget.

Sinabi nito na malaking bahagi ng pondo ng DOH o 50 billion pesos mula dito ang inilaan para sa COVID-19 vaccines, habang 22.99 billion naman ang gagamitin sa pagpapaigting ng health facilities. Kris Jose