PRRD tinaguriang ‘world’s most popular leader’ – UAE-based paper

PRRD tinaguriang ‘world’s most popular leader’ – UAE-based paper

October 30, 2020 @ 5:50 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinakita ng ng iba’t ibang surveys ng independent polling agencies ang high trust at approval ratings ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte simula nang maupo siya sa puwesto.

Patunay lamang ito ng pagiging popular ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino.

Sa October 27 listicle, UAE-based Gulf News ay inisa-isa nito ang mga dahilan kung bakit itinuturing bilang “world’s most popular leader” si Pangulong Duterte.

Kapwa sinabi nina Gulf News editors Jay Hilotin at Christian Borbon na sa kabila ng idinadaing na pandemya  nang maharap sa pagkagutom ang mga mamamayan dahil sa COVID-19 ay “Filipinos have kept faith in President Rodrigo Roa Duterte, whose popularity has gone through the roof this year.”

Sa ulat, nakapagtala si Pangulong Duterte ng  91 percent na  trust rating sa survey ng Pulse Asia, kabilang sa  Philippines’ most authoritative and independent polling firm, mula Setyembre 14 hanggang 20.

Sinabi naman ng Gulf News article na nananatiling popular si Pangulong  Duterte sa gitna ng global health crisis.

Ang record approval rating ni Pangulong Duterte “is the highest so far, perhaps the highest for any leader in the world as Russian President Vladimir Putin’s approval rating was 60 percent in July 2020,” ayon sa Levada Center.

“It was the first major poll on Duterte conducted in the wake of the Covid-19 health and economic crisis. The results stunned his critics and analysts. For his supporters, it was an affirmation that Duterte is the only leader able to steer the country in these difficult times,” ang isinulat ng may-akda.

Ang resulta rin ng Pulse Asia poll ang dahilan kaya’t natigalgal ang mga kritiko ni Pangulong Duterte.

At para sa Gulf News,  binibigyang diin nito ang “unshakable popularity” ni Pangulong Duterte.

“It also reflects the resilience of a generation of leaders seen as populists, such as Indian Prime Minister Narendra Modi and Brazilian President Jair Bolsonaro — who have maintained high levels of public support despite criticisms of their responses to the pandemic,” ayon sa mga ito.

Gayunman, sinabi ng Gulf News, na ang epekto ng pandemiya sa  Maynila ay maaari ring maging  factor  o dahilan  lalo pa’t sa mga nakalipas na buwan, ang bansa ay  naging  regional epicenter ng health crisis.

“At one point posting a daily record of more than 6,700 new infections on August 10 and a 376,935 confirmed cases as of October 29.”

“While the Philippine economy is expected to contract by 7.3 percent this year, the projection also “did not make a dent in Duterte’s approval ratings, which by some measures, is currently the highest worldwide,” ayon sa ulat.

Idinagdag naman ng UAE-based daily na ang “Build, Build, Build” program ni Pangulong Duterte ay nagbigay din ng kontribusyon sa popularidad ni Pangulong Duterte  lalo pa’t ang   programa ay nakita bilang   “antidote to years of neglect of infrastructure”.

Samantala, pinasinayaan si Pangulong Duterte  noong  2016, kung saan ang kanyang  termino bilang Pangulo ng bansa ay nakatakdang magtapos sa Hunyo 2022. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...