PS-DBM nakapagsumite na ng dokumento sa NBI para sa ‘outdated, pricey’ laptop probe

PS-DBM nakapagsumite na ng dokumento sa NBI para sa ‘outdated, pricey’ laptop probe

August 13, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Humingi ng tulong ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sa National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa biniling mga laptop para sa Department of Education (DepEd).

Inihayag ng PS-DBM na nakapagsumite na sila ng mga dokumento sa NBI nitong Biyernes kasunod ng direktiba ni Executive Director Dennis Santiago para sa “thorough examination of the cost of the items involved, as well as [their] technical specifications.”

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang pagbili ng DepEd ng ng laptops sa mga guro sa implementasyon ng distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic, at inilarawan ang purchased equipment na umano’y “pricey and outdated” dahil mayroon namang mas mura at mas magandang pagpipilian.

“Isinumite po natin sa NBI ang mga dokumentong may kinalaman sa mga isyu na binigyang pansin ng COA upang maimbestigahan ng masusi ang mga ito. Patunay po ito na ang bagong administrasyon ng PS-DBM ay seryoso sa layuning matugunan ang audit findings ng COA, at malaman kung may irregularities ba ang nga ito o non-compliance sa umiiral na batas,” sabi ni Santiago.

“The NBI is a highly competent investigation authority to take over the matter to ensure that the probe would be fair, impartial, and independent. We do not want any room for suspicion,” dagdag ng PS-DBM chief. RNT/SA