PS-DBM repormahin-Rep. Recto

PS-DBM repormahin-Rep. Recto

August 12, 2022 @ 11:02 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Iminungkahi ni dating senador at ngayon ay Deputy Speaker Ralph Recto (Batangas) na repormahin ng bagong talagang Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) upang makatipid ang gobyerno.

Dagdag pa ni Recto na ang pagreporma sa PS-DBM ay magandang “exit plan” upang maisaayos ang malalaking procurement activities ng nabanggit na opisina matapos makadiskubre ng ilang irigularidad ang Commission on Audit (COA) sa ilang pagbili ng kagamitan ng gobyerno.

“I have no doubt that the highly capable Secretary Pangandaman will do what is right. These are problems she inherited and I think that she will not allow these to continue. The DBM is under new management. With the change of guards comes a change of rules for the better.”

Mungkahi ni Recto kay Pangandaman na dapat ibalik ng departamento ang “allotments for procurements” na hindi pa naisasakatuparan sa mga ahensya ng gobyerno na gumamit o dumaan sa PS-DBM.

“Those in the last-mile of procurement should be allowed to finish. Pero ‘yung hindi pa nasisimulan, kailangan na siguro i-return to sender (or government agency),” paliwanag pa ni Recto.

Aniya kailangang maging paunang hakbang sa pagreporma sa Procurement Service ay dapat simulan sa liderato ng DBM na huwag makinig o sumang-ayon sa dikta at pressures na manggagaling kaninuman lalo na sa pagsasagawa ng bidding of goods.

“Yan ang simula. Na huwag hayaan ang PS gamitin bilang isang parking lot of funds, or a facility to extend the validity of fund allotments,” ani Recto.

Nauna rito ay lumabas sa COA report ang ukol sa kwestyunableng pagbili sa mga laptops para sa mga guro dahil sa implementasyon ng distance learning noong 2021 na nasa P2.4 bilyon halaga subalit ayon pa sa report ay nabili ng PS-DBM ang mga “outdated laptops” sa halagang P58,300 bawat isa.

“The Audit Team could not ascertain the DBM-PS’ basis for adopting the unit price of PHP58,300. Apparently, the supposed number of laptops to be procured of 68,500 units was significantly reduced to 39,583 units which was mainly due to the huge increase of estimated cost from PHP35,046 to PHP58,300 anchored on the DBM-PS’ recommendation, which was duly accepted by the DepEd (Department of Education),” ayon sa report ng COA.

Sumagot naman agad dito si DepEd spokesperson Michael Poa sa pagsasabing ang ahensya ay may karampatang dokumento na kailangan para sa banggit na ito COA 2021 report. Meliza Maluntag