PS-DBM ugat ng inefficiency, negligence, corruption-Risa

PS-DBM ugat ng inefficiency, negligence, corruption-Risa

August 25, 2022 @ 3:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa P6.5 bilyong pondo ang nakatenggang anomalya kaya hiniling ni Senador Risa Hontiveros na kaagad buwagin ng Kongreso ang kontrobersiyal na Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa pagbubukas ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee sa bilyong halaga ng outdated at overpriced na laptops sa Department of Education (DepEd), ibinulgar ni Hontiveros ang ulat ng Commission on Audit (COA) na may mga iregularidad sa PS-DBM sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nagkakahalaga ng P6.5B.

“The PS-DBM is a breeding ground of inefficiency, negligence, and corruption. A whopping P6.5B worth of irregularities in 2021 alone, a history of dubious transactions, at hindi pa kumpleto ang mga COA reports niyan. What has been uncovered so far is just the tip of the iceberg. Mukhang nakasanayan na ng PS-DBM ang modus nila,” ani Hontiveros.

“The fact that this spans multiple agencies is a huge red flag. So many government programs are affected by this, and during a pandemic year at that. Ang dami sana nating nagawa at natulungan,” dagdag pa niya.

Sa 2021 annual report ng COA, na-flag ang PS-DBM dahil bigo itong magbigay ng patunay sa pagbili, o non-delivery ng mga item na nagkakahalaga ng sumusunod: P1.696B sa Philippine National Police (PNP) sa pagitan ng 2010-2021, P795 .7M para sa Department of Agrarian Reform, P704.9M para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), at P60.36M para sa Department of Technology and Information (DTI). Kasama rin sa ulat ang P2.4B halaga ng overpriced na mga laptop para sa Department of Education (DepEd) at P185.6M halaga na may kinalaman sa pamamahagi ng PS-DBM ng COVID-19 items kaugnay sa Department of Health (DOH).

Nag-flag din ang COA ng mga transaksyon sa PS-DBM na unliquidated para sa mga sumusunod na ahensya: P31.1M sa BFAR, P22.73M sa Philippine Council for Agriculture and Fisheries, P11.828M sa Philippine Trade Training Center, P8.975M sa Philippine Fiber Industry Development Authority, P8.125M sa Mines and Geosciences sa ilalim ng DENR, P3.192M sa Construction Industry Authority of the Philippines, P176,000 sa National Water Resources Board at P1.646M para sa mga nakaraang taon, P1.053M sa Board of Investments P635, 570 para sa mga naunang taon, at P358,802.68 sa NAMRIA na naka-attach sa DENR.

Iniulat din ng COA na may malaking halaga ng unutilized o excess advances sa badyet ng PS-DBM ang hindi naipadala sa Bureau of Treasury: P511.37M para sa Bureau of Fire Protection, P22.99M na hindi naihatid sa ilalim ng Philippine Navy, P17.5M para sa Publiko Attorney’s Office (PAO), P13.86M para sa Philippine Information Agency (PIA), at P10.64M na hindi na-remit para sa Bureau of Immigration.

Dahil sa impormasyong ito, mariing sinusuportahan ni Hontiveros ang mga panawagan ng mga kapwa senador na buwagin ang PS-DBM, ngunit naniniwala rin siyang ‘unang hakbang pa lang’ ito. Sinabi ng senador na maghahain siya ng resolusyon para sa konsiderasyon ng Senado na buwagin ang PS-DBM at imbestigahan ang lahat ng transaksyon nito. Hinikayat din niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na tingnan ang mga ulat ng COA.

“Abolishing it is urgent, but that is just a band-aid solution if we end the story there. More importantly, I want every peso explained and accounted for, and every official held accountable to the fullest extent of the law,” ani Hontiveros.

“Naghahanap tayo ng pera? Andito lang pala, nakatengga sa PS-DBM. This will have serious implications for our budget deliberations and appointment hearings soon,” dagdag niya.

Magsisimula sa Setyembre ang mga debate sa Senado para sa National Expenditure Program (NEP). Malapit na ring magsagawa ng unang pagdinig ang Commission on Appointments (CA).

“These anomalies are too large to go unnoticed. The PS-DBM is a failure we urgently need to rectify. Some in the agency seem to be so emboldened as to commit corruption on such a large scale. They thought wrong. I look forward to investigating this in the Blue Ribbon Committee hearings. We must reconsider the existence of the PS-DBM, and bring those accountable to justice,” pagtatapos niya. Ernie Reyes