PSA: Bilang ng isinilang, namatay bumaba; nagpakasal, dumami mula Jan. ‘gang Sept. 2022

PSA: Bilang ng isinilang, namatay bumaba; nagpakasal, dumami mula Jan. ‘gang Sept. 2022

January 26, 2023 @ 7:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mas mababa ang bilang ng mga nairehistrong isinilang at namatay mula Enero hanggang Setyembre 2022 kumpara sa datos sa parehong period noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Samantala, dumami naman ang nairehistrong nagpakasal, batay sa statistics office data.

Mula Enero hanggang Setyembre 2022, umabot ang bilang ng registered births sa 783,199.

Mas mababa ito ng 20.6% kumpara sa total registered births na 986,369 sa parehong period noong 2021.

Naiulat sa Calabarzon ang pinakamataas na bilang ng registered births sa 118,919 o 15.2% ng total births sa bansa.

Naitala naman sa NCR ang 88,033 births o 24.7% pagbaba mula sa 116,940 births sa parehong period noong 2021. Naitala sa Quezon City ang pinakamataas na bilang ng registered births sa 16,785 o 19.1% ng total births sa rehiyon.

Naiulat naman sa Cavite ang pinakamataas na bilang ng registered births sa mga probinsya sa 31,516 o 4% ng total births sa bansa, na sinundan ng mga lalawigan ng Bulacan sa 26,498 o 3.4% at Laguna sa 24,466 o 3.1%.

Naiulat ng PSA ang kabuuang 418,027 deaths mula Enero hanggang Setyembre 2022. 

Sinabi ng ahensya na mas mababa ito ng 38.6% kumpara sa total registered deaths na 680,597 sa parehong period noong 2021.

Nanguna ang Calabarzon sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng registered deaths mula Enero hanggang Setyembre 2022 sa 63,617 o 15.2% ng total deaths sa bansa.

Samantala, nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng 49,421 deaths na -41.6% decrease mula sa 84,559 deaths registered sa parehong period noong 2021.

Naitala sa Quezon City ang pinakamataas na bilang registered deaths sa NCR mula Enero hanggang Setyembre 2022 sa 9,775 o 19.8% ng total deaths sa rehiyon.

Sa mga lalawigan, nanguna ang Cavite bilang may pinakamataas na bilang ng registered deaths sa 15,974 o 3.8% ng total deaths sa bansa.

Sinundan ito ng Bulacan sa 14,933 deaths o 3.6% at Pangasinan sa 13,924 o 3.3%.

Samantala, base sa PSA, umabot ang registered marriages sa 286,555 mula Enero hanggang Setyembre 2022.

Sa parehong cut-off date sa pagproseso ng birth certificates, sinabi ng PSA na mas mataas ang preliminary count nito ng 13.1% kumpara sa total registered marriages na 253,426 sa parehong period noong 2021.

Sa mga rehiyon, naitala sa Calabarzon ang pinakamataas na bilang ng registered marriages sa 42,122 o 14.7% ng total marriages sa bansa.

Naiulat naman sa NCR ang 33,811 marriages na 25% increase mula sa 27,059 marriages na nairehistro sa parehong period noong 2021.

Sa cities and municipalities, nakapagtala ang Quezon City ng pinakamataas na registered marriages sa 11,236 o 33.2% ong total marriages sa rehiyon.

Sa mga probinsya naman, nakapagtala sa Batangas, Cavite at Pangasinan ng pinakamaraming ikinasal mula Enero hanggang Setyembre 2022 sa 10,212 o 3.6%, 9,940 o 3.5%, at 9,191 o 3.2%.

Sinabi ng PSA na ang mga bilang na ito ay “preliminary and may differ from the final count.” RNT/SA