PSA biometric enrollment sa nat’l ID umarangkada na sa Navotas

PSA biometric enrollment sa nat’l ID umarangkada na sa Navotas

June 3, 2021 @ 6:43 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Ang lokal na pamahalaang  Navotas, katuwang.ang  Philippine Statistics Authority (PSA), ay nagsimula na para sa  biometric enrollment ng mga  Navoteños para sa Philippine Identification System (PhilSys).

“The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits applicable to them,” ani.Mayor Toby Tiangco .

Ilang residente ng  Brgys. Bagumbayan South, Bangkulasi, North Bay Boulevard North (NBBN), San Roque, Sipac-Almacen, Tanza 2, at Tangos North at  South ay natapos na sa kanilang unang hakbang para sa national ID registration.

Bago pa nito, pinangunahan ng  PSA personnel ang pagtungo sa bawat bahay kung saan nakapanayam na ang mga residente ng mga nabanggit na barangay para sa demographic data collection na sandaling naudlot  dahil sa pagtalima sa implementasyon ng  enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ang mga residenteng nakakumpleto ng Step 1 ay sumasailalim  ngayon sa  biometric enrollment.

Ang mga  Navoteños na hindi pa nakakapanayam  ng PSA ay hinihimok na magparehistro sa pamamagitan ng PhilSys online portal, sa sandaling maging aktibo na ito para sa mga residente ng lungsod.

Pawang mga residente lamang na dumaan sa demographic data collection ang magpapatuloy sa Step 2 o.  biometric enrollment..

Sa Step 2, ang mga isinumiteng mga dokumento.ang hahasain  at bubusisiin para ma encode ang  demographics nang sa gayon ay maitala o mailista na ang  biometrics  saka bibigyan ng transaction slip.

Apat na lugar ang itatakda para sa pagpaparehistro  kabilang dito ang  Navotas City Hall mula  May 31 hanggang  June 3; Brgy. NBBN Covered Court, June 1–August 10; Navotas City Library, June 3–December 30; at Brgy. Tanza 2 Multi-Purpose Hall, June 5–October 30.

Limitadong bilang lamang ang tatanggapin bawat araw upang masunod ang safety protocols.

Kapag handa na ang national ID, agad itong ipadadala sa ibinigay na tirahan , kasabay ng pagpapakita ng  transaction slip o anumang valid  ID. Dapat ding may authorization letter ang tatanggap nito kung wala ang nakarehistro sa kanyang bahay. R.A Marquez