PSA nagbabala sa pekeng nat’l ID registration sites



PSA nagbabala sa pekeng nat’l ID registration sites

May 28, 2021 @ 1:12 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala sa publiko ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa mga kumakalat na pekeng registration sites ng Philippine Identification System (PhilSys) dahil sa ilang fraudulent sites at Facebook pages ang nagpapanggap na representative umano ng PhilSys.

Ito ay ang mga sumusunod:

National ID Online Registration – Government Organization

National ID Online Registration Assistance – Public Group

philsysid.com

Lang Lang Nocses

Naic Cavite Buy and Sell

Paniqui-Tarlac-Moncada-Anao-Gerona-Ramos Buy En Sell

Tarlac Bentahan Online

Subcon and Supplies for Garments & Small Businesses

PhilSys National ID – blog

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang mga sumusunod dahil sa scam sign-up processes at misinformation sa PhilSys registration.

Paalala ng PSA, tanging opisyal lamang ng PhilSys website philsys.gov.ph at Facebook page PSAPhilSysOfficial ang nagbibigay ng tamang impormasyon para sa PhilSys registration process at ID issuance.

“Fake sites and third-party providers, such as Buy and Sell pages, do not operate with this security. Thus, these are prone to data leaks and misuse,” paliwanag ng PSA.

“Registration to PhilSys is free of charge. Therefore, registrants must not spare any expense under any circumstances during the duration of the three-step registration process.”

Idinagdag rin na ang mga manghihingi ng bayad sa registrants ay labag sa Republic Act 11055 o ang PhilSys Act.

“All information collected through the official PhilSys website is protected by law under the Data Privacy Act of 2021,” saad ng PSA. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •