PSC head Ramirez panauhin sa TOPS; panunumpa ng bagong halal na opisyal, pangungunahan

PSC head Ramirez panauhin sa TOPS; panunumpa ng bagong halal na opisyal, pangungunahan

January 18, 2022 @ 5:15 PM 7 months ago


PANAUHIN si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa unang sesyon ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ via Zoom ngayong taon.

Inaasahang mabibigyan nang kasagutan ni Ramirez sa lingguhang talakayan sa Huwebes, Enero 20, 2022, ganap na 10:00 ng umaga ang mga mahahalagang isyu sa kasalukuyan, partikular ang mga paghahanda at pagsasanay ng mga miyembro ng Philippine Team sa gitna ng patuloy na paghihigpit sa mga panuntunan ng pamahalaan para maabatan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Nasimulan na ng PSC ang ‘bubble training’ sa ilang sports sa mga lugar na may mababang alert level, ngunit sa muling pagtaas ng bilang ng mga kaso ng hawaan, muling nalagay sa alanganin ang pagsasanay ng mga atleta, higit at nakatakda ngayong taon ang dalawang malaking internasyunal na kompetisyon – ang Southeast Asian Games sa Vietnam at Asian Games sa China.

Pangungunahan din ni Ramirez ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng TOPS, sa pangunguna ng bagong Pangulo na si Maribeth Repizo-Marana ng Pilipino Star Ngayon. Kasama rin sa mga nahalal sina Dennis Eroa ng Sports Bytes (VP-Internal), Rico Navarro ng Remate (VP-External), Frederick Nasiad ng Manila Times (Auditor), Nympha-Miano Ang ng Bulgar (Treasurer) at Edwin Rollon ng Pilipino Mirror (Secretary).

Ang TOPS ay binubuo ng mga sports editors, reporter, correspondent at columnists mula sa mga premyadong pahayagan na pang-masa.

Mapapanood ang live streaming ng programa, na suportado ng Philippine Sports Commission, Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR, sa opisyal na Facebook page ng TOPS.Rico Navarro