PSC naglabas ng statement sa awayang Obiena vs PATAFA

PSC naglabas ng statement sa awayang Obiena vs PATAFA

January 25, 2022 @ 1:44 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ng Philippine Sports Commission (PSC) na nakatanggap na sila ng komunikasyon mula kay Olympian EJ Obiena, na ipinadala ng kanyang abogado sa pamamagitan ng email, at sinasabing pormal nang umaatras at hindi na lalahok si Obiena sa mediation proceedings ng sports agency.

Para magkaroon ng mediation, kinakailangang ng boluntaryong kasunduan ng dalawang nag-iiringang partido kaya sinabi ng PSC na ipanababatid nila sa publiko na pansamantalang nakahold ang mediation.

Sa kabila ng pag-atras ni Obiena sa PSC mediation, sinabi ng sports agency na ang mediation pa rin ang pinakamahusay na opsyon upang malutas ang usaping kinasasangkutan ni Obiena at PATAFA.

Nilinaw din ng PSC na nagsumite na si Obiena ng kanyang liquidation report.

Kasalukuyan umanong dumaraan sa normal na proseso at pagsusuri sa accounting office ng PSC ang mga dokumento para maberipika ang mga isinumiteng liquidation documents.

Matatandaang naganap ang problema sa pagitan ng PATAFA at ni Obiena matapos akusahan ng national sports agency si Olympian Obiena ng hindi pagbabayad ng sweldo ng kanyang coach at inatasan ang atleta na isoli ang nasabing halaga na aabot sa mahigit P4M.Rico Navarro