PSC pumagitna na sa awayang PATAFA vs Obiena

PSC pumagitna na sa awayang PATAFA vs Obiena

November 25, 2021 @ 2:47 PM 3 days ago


MANILA, Philippiens – Magbibigay si Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez ng  “Mediation Submission Agreement” kay pole vaulter EJ Obiena at PATAFA para marebisa ng mga ito ang nilalaman.

Inaasahan ni Ramirez na ang dalawang panig ay magkakasundo sa pamamagitan ng paglagda sa naturang dokumento.

Oras na malagdaan na ang  Mediation Submission Agreement, doon na nila sisimulan ang  mediation process, isang bagay na magreresulta sa ‘alternative dispute resolution” (ADR) upang matulungan ang mga ito na malunasan nang mabilisan ang ‘sigalot’ at sa huli ay magkasundo na.

Pakay ng mediation agreement na isapormal ang appointment ng tagapamagitan , mga regulasyong gagamitin, lengguwahe at lugar kung saan sila magkakasundo.

Isinasaad din sa  agreement na sa sandaling walang mapagkakasunduan sa loob ng 30 araw mula sa mediation, ang isyu ay pinal nang ihaharap sa arbitration. Ito ang ikalawang hakbang na aaksiyunan ng PSC.

Makaraan ang mediation efforts, pag-aaralan ng PSC ang pagtimbang sa katotohanan para sa susunod na hakbang.

Sa kasalukuyan,  nagpahayag ng pag-aalala ang PSC Chairman sa dalawang personalidad na involved at inaasahang ang isyu ay matatapos na sa lalong madaling panahon.

“The role of the mediator is merely to facilitate communication, identify issues and help the parties arrive at a settlement. My role as mediator is not to decide who is right or wrong. We are after a win-win solution for both sides. The goal is to preserve relationships of the disputing parties.” “I am worried about them both. EJ is carrying this burden all alone overseas, away from family and friends. I am concerned about Mr. Juico’s health. The earlier we can sit down and talk, the earlier we can resolve this,” ayon kay PSC Chairman William I. Ramirez.Rico Navarro