PSC walang tigil sa paglaban vs COVID-19   

PSC walang tigil sa paglaban vs COVID-19   

September 28, 2022 @ 4:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay ang Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila,  ng COVID-19 vaccination booster shots sa mga atleta, coach at empleyado sa Rizal Memorial Coliseum, ngayung Miyerkules habang patuloy ang pagbabantay ng sports agency laban sa COVID- 19 at mga variant nito.

Kabilang si Tokyo Olympian  Cris Nievares  sa mahigit 160 atleta at coach mula sa Baseball, Canoe Kayak, Karate, Olympic Rowing, table tennis, judo, kurash, gymnastics, taekwondo, water polo at diving na nag-avail ng vaccination drive.

Sinabi ni PSC Chairman Jose Emmanuel “Noli” Eala na sa pagbubukas ng mga pasilidad ng PSC “mahalaga rin na tayo ay manatiling mapagbantay at protektado laban sa COVID-19.

Ang aming mga atleta, coach, at empleyado na naglilingkod sa kanila ay kailangang ma-secure, protektahan at alagaan habang sinisimulan namin ang paglipat at pagbabalik ng aming mga aktibidad at kaganapan sa palakasan.

Halos 400 booster vaccines ang ibinibigay sa mga atleta, coach, at empleyado ng PSC na nag-avail ng vaccination drive.RICO NAVARRO