PSSC ng MV Asia Philippines sinuspinde ng MARINA

PSSC ng MV Asia Philippines sinuspinde ng MARINA

August 28, 2022 @ 11:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde na ng Maritime Industry Authority o MARINA ang Passenger Ship Safety Certificate (PSSC) ng MV Asia Philippines kasunod ng nangyaring sunog sa Batangas anchorage area, Biyernes ng gabi.

Ito ay alinsunod sa probisyon ng RA 9295 at IRR at ang Ship Survey System (3S) ng Authority gayundin ang MARINA Memorandum Circular no.152 at MARINA Administrative Order No.11-19.

Ayon pa sa maritime industry, ang Ship Safety Certificate ay sususpendihin kapag “ship has been involved in maritime casualties and incidents such as , but not limited to, fire, engine derangement ,grounding, collision, allison and hitting hard objects, that may put into question the integrity of the hull and its integral parts and other affected machineries/appliances.”

Dahil dito ang PSSC ng MV Asia Philippines na inooperate ng Starlite Ferries Inc., ay suspendido hanggang sa susunod na abiso.

Ang nasabing barko ay sasailalim din sa masusing inspection ng MARINA Inspector/Surveyor upang matukoy seaworthiness condition nito bago alisin ang suspensyon.

Hiniling naman ng MARINA sa Philippine Coast Guard (PCG) na ipatupad ang nasabing suspensyon.

Biyernes ng hapon nang magsimulang masunog ang barko at tuluyang naapula pasado alas-10 ng gabi .

Ligtas naman ang kabuuang 85 indibidwal na sakay ng barko kabilang ang 47 pasahero at 38 crew bagamat mayroong isa na kinailangang isugod sa ospital dahil sa tinamong injury. Jocelyn Tabangcura-Domenden