‘Psycho’ ng Red Velvet, pumalo sa 200M views!

‘Psycho’ ng Red Velvet, pumalo sa 200M views!

November 21, 2020 @ 11:10 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea – ‘Di na talaga maawat ang all-girl K-pop band na Red Velvet. Kamakailan ay pumailanglang na naman sila sa kamalayan ng pandaigdigang paghanga. 

 

Ayon sa entertainment website na Koreanboo.com, ang music video ng kantang ‘Psycho’ ng Red Velvet ay nakatanggap ng 200 million views! 

 

Pangalawang music video ng grupo ‘yon na ang viewership ay pumalo sa 200 milyon. Ang una ay ang ‘Bad Boy.’

 

Ayon sa Koreanboo.com, ang ‘Psycho’ ay ini-release nu’ng Disyembre 23, 2019. Nangangahulugan daw ito na umabot sa 200 milyon ang viewers nito sa loob lamang ng 10 buwan. 

 

Sa kabilang banda, ang kanilang ‘Bad Boy’ ay ini-release nu’ng Enero 29, 2018 at pumalo sa 200 milyon ang viewership nu’ng Abril 2019. Ibig sabihin ay isang taon at dalawang buwan ang lumipas bago umabot sa 200 milyon ang views ng ‘Bad Boy.’

 

Higit na mas mabilis ang pagtaas ng bilang ng viewers ng ‘Psycho.’

 

“Napaka-impresibo ng achievement na makaabot sa 200 milyon ang ‘Psycho’ nang ganu’n kabilis gayung halos isang taon silang namahinga habang hinihintay ang paggaling ng miyembrong si Wendy mula sa pagkahulog niya mula sa isang entablado sa isang performance nila. 

 

“This just goes to show that Red Velvet is still a powerful and successful group!” kongklusyon ng Koreanboo.comwebsite. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...