PTFoMS media funshoot isinagawa

PTFoMS media funshoot isinagawa

October 30, 2020 @ 7:24 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Malaki umanong improvement na nawala na sa ‘Top 5  worst countries for journalist’ ang Pilipinas dahil na rin sa pagsisikap ng  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at ng gobyerno upang maprotektahan ang journalist sa bansa laban sa media killings.

 

Batay kay PTFoMS Usec Joel Egco, ang isinagawang  Presidential Task Force on Media Security First Invitational Funshoot Funshoot ay may temang “Protecting Journalist and Protecting the Community”  kasama naman ang   PNP Regional Office 3  sa kanilang Markmanship Test sa  Camp Olivas  Firing Range sa San Fernando, Pampanga.

Bagamat nasa Top 10 pa rin aniya ang Pilipinas kung saan mula sa ranking 5 ay naging 7 na at kalaunan ay  mawawala na rin ang  pinaka-worst countries for journalist.

“The Philippines is the biggest mover in this year’s rankings, improving from the fifth worst country worldwide to the seventh worst… The Philippines has 11 unsolved murders in the current 10-year index period, compared with 41 for last year’s index,” saad sa global media watchdog.

Ayon pa kay Usec.Egco, patuloy pa rin ang kanilang pagsisikap upang maalis ang Pilipinas sa Top 10 list.

Sanantala, nilinaw ni Usec Egco ang 11 unsolved cases kung saan karamihan sa mga ito ay dinidinig na sa ibat-ibang korte sa bansa.

Tiniyak din nito na maparurusahan ang mga killer ng media. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...