Manila, Philippines – Tiniyak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na handa ang People’s Television Network, Inc. (PTV) na magpaliwanag sa isasagawang pagdinig ng Senado at Kamara hinggil sa pag-eere ng mga Chinese shows sa government television network.
Aniya,Ā walang mali sa pagpapalabas ng mga Chinese show hangga’t ang mga laman nito ay may entertainment at information values.
Puwede naman aniyang isahimpapawid ng PTV ang anumang foreign shows basta mayroong Memorandum of Understanding tulad aniya ng mga nakalipas na administrasyon kung saan naipalabas ang ilang Korean shows.
Kinumpirma rin ni Sec. Andanar na may MOU sa Japan, Korea, China habang magkakaroon din ng kasunduan sa Cambodia, Thailand, China, Russia at ang pinakahuli na isinasaayos pa lang ay ang Myanmar.
Layunin nito na lalo pang gumanda ang relasyon ng PCOO sa mga counterpart nito sa ibang bansa.
Iginiit pa ni Sec. Andanar na batid naman na patuloy pa ang pagsisikap ng Pilipinas na makahabol sa mga modernong teknolohiya ng ibang bansa kaya marami pang dapat na matutunan mula sa mga ito gayundin sila na mayroon ding matututunan sa Pilipinas. (Kris Jose)