Public apology hirit ng nurses group sa ‘palit-bakuna’ sa Europa

Public apology hirit ng nurses group sa ‘palit-bakuna’ sa Europa

February 25, 2021 @ 7:33 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hiniling ng Filipino Nurses United ang isang public apology mula sa Department of Labor and Employment sa mistulang pagkalakal sa mga nurse kapalit ng bakuna sa coronavirus disease (COVID-19).

“Kami po sa FNU ay hindi masaya kasi napaka, parang masasabi nating nakakainsulto ang mga ganung pananalita, para kaming commodities, barter commodities na ipinagpapalit,” giit ni Alyn Andamo, secretary-general ng FNU sa isang panayam ng TeleRadyo.

“Sana po maka-apologize sa mga nurses at kung ang intent siguro ng gobyerno ay matugunan ang mga pangangailangan hindi naman siguro kailangang gamitin ang nurses bilang kapalit,” dagdag nito.

Giit pa ni Andamo na mahusay ang tingin ng ibang bansa sa mga Pinay nurse.

Tanggap din ng mga nurse na export product sila dahil sa malaking ambag nito sa remittances ngunit hindi kaaya-aya na mismong mga opisyal ng gobyerno ang nagtatrato sa kanila bilang kalakal.

Paliwanag naman ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang pagpapadala ng mga nurse sa UK ay bahagi ng negosasyon ng ambassador nito na hindi isama ang UK sa deployment cap ng mga nurse sa bansa.

“Kung sa tingin nila, nasaktan sila pasensya na po pero hindi po ‘yun ang plano ko. Ang daming nagsasalita, hindi naman nila alam ang nangyayari eh,” saad ni Bello.

“Kung saka-sakaling mag-recommend ako, gusto ko yung mga nurses bago namin i-deploy eh nakakatiyak tayo sa kanilang kaligtasan, and the best way is ma-vaccinate na sila bago sila pumunta roon,” dagdag ng kalihim.

Una nang sinabi ni Ambassador Daniel Pruce na walang kaugnayan ang pagpapadala ng nurse sa UK at pagbibigay-tulong para sa bakuna kontra COVID-19. RNT/ELM


  •  
  •  
  •