Public consultation tungkol sa BOL, isasagawa ng MILF

Public consultation tungkol sa BOL, isasagawa ng MILF

July 27, 2018 @ 1:27 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Magsasagawa ng public consultation ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) tungkol sa Bangsamoro Organic Law sa Linggo.

Inaasahan na dadaluhan ang nasabing forum ng libu-libong indibidwal na gaganapin sa main camp ng MILF na tinatawag na Darapanan sa probinsiya ng Sultan Kudarat sa Linggo, ayon sa vice chairman ng grupo na ni Ghazali Jaafar.

“There is a necessity for this consultation because it has been the policy of MILF that whatever major policy we adapt, there must be consultations. Our people must be consulted,” ayon kay Jaafar.

Kahapon (July 26) pinirmahan ni Pangulong Rodrigp Roa Duterte ang Bangsamoro Organic Law, isa sa mga requirement ng 2014 peace agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Ipaliliwanag ng lider ng MILF ang bagong Bangsamoro government kung saan ito ay kaiba sa Autonomous Region in Muslim Mindanao system at kung paano ito makatutulong sa mga Moros, sabi pa niya. (Remate News Team)