Public policy townhall meeting ikinasa sa Calamba

Public policy townhall meeting ikinasa sa Calamba

March 16, 2023 @ 5:11 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Senator Francis Tolentino ang pangalawang town hall meeting on public policy na isinagawa sa Makasaysayang Rizal Shrine, Bayan ng Calamba ngayong Huwebes, Marso 16.

Sa nasabing pulong hiniling ng senador sa Department of Trade and Industry (DTI) na ipaliwanag ng husto ang kanilang mga programa para sa mga nais magkaroon ng sariling megosyo.

Gayundin, dapat din maging malinaw ang DTI sa mga iniaalok na tulong sa mga nais magpalago ng kanilang maliit na negosyo.

Dinaluhan din ang pulong nina Gobernador Ramil Hernandez, at ilang mga alkalde ng iba’t ibang lungsod ng CALABARZON. RNT