Public school suspension nakadepende sa LGUs – DepEd

Public school suspension nakadepende sa LGUs – DepEd

November 16, 2020 @ 10:40 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Education (DepEd) na ang suspensyon ng klase sa pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) ay maaaring dumepende sa local government units (LGUs).

Sa kalatas na inilabas kahapon, November 15, sinabi ng DepEd na ang suspensyon ng distance learning activities ay pinapayagan lamang sa LGUs na magdedeklara ng walang pasok mula ngayong Lunes, Nobyembre 16 hanggang sa mga susunod pa.

“If no suspension of classes is made by their respective LGUs, private schools can exercise their discretion to suspend their classes.”

Dagdag pa ng DepEd, ang school division superintendents ay maaari ring magrekomenda ng localized suspensions sa kanilang kinabibilangang LGUs kung kailangan. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...