Public solicitation ng DSWD palalakasin sa partnership sa Meta

Public solicitation ng DSWD palalakasin sa partnership sa Meta

December 13, 2022 @ 12:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – UPANG makapagbigay sa publiko ng “relevant information,” nakibahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa online consultation dialogue kasama ang Facebook-Meta noong nakaraang buwan para talakayin ang posibleng “advocacy partnership on public solicitation.”

Ang Facebook-Meta ay ang leading social media platform, at nakikitang strong channel para itaas ang kamalayan at makapagbigay ng tamang impormasyon sa pagpapalabas ng DSWD ng solicitation permit.

Matatandaan na ang public solicitation ay madalas na “nami-misunderstood at misinterpret” lalo na sa panahon ng kalamidad.

Gaya ng nakamandato sa Presidential Decree No. 1564 o Solicitation Permit Law, ang DSWD, sa pamamagitan ng Standards Bureau, ay may kapangyarihan na magpalabas o i-disapprove ang aplikasyon para sa solicitation permit/s sa kahit na kaninong indibiduwal, korporasyon, organisasyon o asosasyon na nagnanais na makapag- solicit o makatanggap ng kontribusyon para sa public welfare purposes.

“The law was created with the sole aim of ensuring that solicited resources are received by intended recipients,” ayon sa ulat.

Sa nasabing pagpulong, ipinakita ng DSWD ang ukol sa public solicitations na ginawa ng walang permit.

Binigyang diin nito iyong mga gumawa pa ng social media app.

Sinabi naman ng Facebook-Meta na maaari silang magbigay ng free session training sa kung paano gagamitin ang social media platform bilang tool para sa awareness-raising campaign ng departamento.

Sa layuning kontrahin ang misinformation at fake news, layon ng DSWD na ituloy ang kanilang “strengthened communication efforts by exploring partnerships with experts and engaging the public for feedback.” Kris Jose