Public transpo ‘di papayagan sa MECQ – DOTr

Public transpo ‘di papayagan sa MECQ – DOTr

August 3, 2020 @ 1:03 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na ang mga pampublkong transportasyon ay hindi na papayagan oras na maisailalim ang Metro Manila at iba pang lugar sa sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula bukas, August 4.

Ang mga sumusunod ang hindi papayagang makabiyahe:

trains (PNR, LRT1, LRT2, MRT3)
bus
jeepney
taxi
TNVS
tricycle (with exceptions subject to guidelines of Department of the Interior and Local Government and local government units)

Tanging mga public shuttle para sa front liners at manggagawang nasa industriyang papayagang makapagsagawa ng operasyon.

Para naman sa pribadong transportasyon:

company shuttle (rented shuttles will need special permit from Land Transportation Franchising and Regulatory Board), at 50% capacity

personal vehicle (for person/workers in permitted sectors/activities), 2 persons per row

bicycle: 1 person

motorcycle: 1 person

e-scooter: 1 person max subject to existing traffic regulations

Dagdag pa ng DOTr taging mga authorized persons outside of residence (APOR) lamang na may proper ID ang papayagang maglakbay sa city limits. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...