Public transportation, mobility readiness sa Manila, isa sa pinakakulelat sa mundo

Public transportation, mobility readiness sa Manila, isa sa pinakakulelat sa mundo

November 26, 2022 @ 11:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isa sa pinakamalala sa buong mundo ang public transportation at urban mobility readiness sa kapital ng Pilipinas, ayon sa report ng think tank Oliver Wyman Forum at ng University of California, Berkeley.

Kanilang sa 60 global cities na sinuri sa 2022 Urban Mobility Readiness Index, pumwesto ang Manila sa ika-58 sa urban mobility readiness, ika-56 sa public transit systems, at ika-48 sa sustainable mobility.

Sinuri ang mga lungsod base sa kahandaan para sa future mobility disruptors, kung saan kinonsidera kung paano pinangangasiwaan at ginagamit ang public transport systems, at ano ang mga aksyon na isinasagawa upang makabuo ng mas “sustainable mobility ecosystems”.

Binanggit din sa ulit na ang active mobility sa mga kalsada sa Manila “is boosted through permissive transit rules on bikes, as well as significant cycling infrastructure.”

“Despite these multimodal strengths, Manila’s public transit system has room for improvement in speed, wait times, station density, and affordability,” anito.

Binigyang-diin din sa ulat ang mga hamon na kinahhaarap ng road transport sa Manila, partikular na ang “poor quality of roads in the metropolitan area and the limited regional connectivity provided by the national road network.”

“Manila is congested and polluted, but a low level of car ownership should help prevent these problems from worsening,” base sa ulat.

Pinangunahan lamang ng Manila, ang natatanging “lagging city”sa Asia Pacific region sa aspeto ng public transit systems, ang Johannesburg, Riyadh, Nairobi, at Jeddah.

Samantala, ang regional neighbors nito ay itinuturing na “leading cities” kung saan nangunguna ang Hong Kong ranking, Singapore sa ika-apat na pwesto, at Tokyo sa ika-pito.

“The potential domino effect of a desolate public transit system is staggering: economic fallout from poor revenue and lost jobs to operate it, increased congestion associated with more private travel, likely more road fatalities, and worse noise, light, and air pollution,” ayon sa ulat.

Mas mataas naman ang pwesto ng Manila sa sustainable mobility category, na sumusukat kung paano ginagawang net-zero mobility ng mga siyudad ang transisyon.

Subalit, ikatlo sa huli ang Manila sa mobility readiness, na sinundan ng Nairobi at Lagos.

“Cities that tackle future mobility challenges, particularly as it relates to public transit, will be better prepared for future disruptions with resilient and sustainable economies,” ayon sa ulat.

“But inflation, social unrest, climate change, and other disruptions all pose a risk that urban mobility will fall off the priority list for governments. An increased commitment from the private sector is crucial to supplement the cost of new solutions and equitably raise the quality of life among all communities,” giit pa rito. RNT/SA