Public utilities na ‘di sakop ng foreign investments tinukoy sa bagong PSA

Public utilities na ‘di sakop ng foreign investments tinukoy sa bagong PSA

March 23, 2022 @ 5:57 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Malinaw na tinukoy sa bagong batas na nag-aamyenda sa Public Service Act (PSA) kung aling mga negosyo ang itinuturing na mga public utilities na mananatiling saklaw ng mga paghihigpit mula sa foreign capital alinsunod sa Konstitusyon.

“The new law now clearly defines what public utilities are: electricity transmission and distribution, petroleum pipeline transmission, water and sewerage pipeline distribution, seaports, and PUVs (public utility vehicles). Their foreign ownership will continue to be limited by the Constitution (maximum of 40 percent of capital). All other public service industries will be liberalized, allowing foreign capital to the extent of 100 percent,” saad ni DOJ Secretary Menardo Guevarra.

Sa ilalim ng PSA, ikokonsiderang public services ang telecommunications, railways, expressways, airports, at shipping industries kung saan maaari nang payagan ang 100% foreign ownership.

Sabi ni Senador Franklin Drilon, ang main proponent ng batas sa Senado, inaamyendahan ng bagong batas ang higit sa walong dekada nang Commonwealth Act No. 146 at magbibigay daan para sa pagbangon ng ekonomiya.

Aniya, magbibigay ito ng mas malinaw na depinisyon ng public utilities kung saan binigyang-diin nito kung paanong epektibong nahadlangan pagpapalitan sa gamit ng “public utility” at “public services” ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

Habang papayagan pa rin ang hanggang 40% na foreign ownership sa mga nabanggit na public utilities, lahat ng iba pang “public services” ay tatanggalan na ng restriksyon mula sa foreign ownership.

Pero nilinaw ni Drilon na ang Republic Act 11659 ay hindi maituturing na deregulation ng public services.

“These laws will stimulate the economy, promote competition in business, enhance the ease of doing business, and generate more jobs,” paliwanag ng senador. RNT/ JCM