PUBLiCUS, SWS, PULSE ASIA AT IBA PA, MAPAGKAKATIWALAAN PA RIN

PUBLiCUS, SWS, PULSE ASIA AT IBA PA, MAPAGKAKATIWALAAN PA RIN

May 11, 2022 @ 10:54 PM 2 months ago


Walang bahid ng kasinungalingan ang inilalabas na resulta ng iba’t ibang survey group sa bansa sa gitna ng inginangakngak ng mga political operator at taga-suporta ng Pinklawan na kesyo bayad daw ito.

Habang sinusulat ang pitak na ito,pumapalo na sa 30 milyon ang boto ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang tinaguriang Majority President sa kasaysayan ng pambansang halalan sa bansa, samantalang 14 milyon pa lang ang nakukuha ni VP Leni.

Ito’y 50 porsyento ng 60 mil­­yong pangkalahatang botanteng Pinoy at 62% naman ng 48 milyong pinaniniwalaang bomotong kababayan natin sa ginanap pa lang na halalan.

Batid ng sambayanan na hindi naman talaga tumbok ng mga survey group ang eksaktong botong kakabigin ni Bongbong bunsod sa umaabot lang sa 1,500 hanggang 2,000 ang respondents na pinulsuhan nito bago pa man isagawa ang eleksyon subalit hindi nagka­kalayo ang porsyento ng resulta kung ikukumpara sa lumabas na bilang sa botohan.

Halimbawa,56 porsyento ang preferential rating na nasungkit ni Bongbong sa pinakahuling survey ng Pulse Asia habang 54 porsyento naman ang nakuha ng batang Marcos sa PubliCus na 26 hanggang 27 milyon naman sa aktuwal na bomoto.

Ibig sabihin, tumatama ang pahayag noon ng mga independent technical at political strategist na umiikot lang sa mga lugar na pinagdarausan ng rally ng Pinklawans ang dumadalong supporters nito at pinaniniwalaang optics lang ang libo-libong bilang na ipinangangalandakan ng organizers ni VP Leni na kinokontra naman ng PNP dahil sadyang nakalulula na ang crowd estimate.

Napatunayan ng eleksyon ang mga nakaraang sinulat kong kolum dito na kailanman ay hindi pa nagkakamali ang mga kilalang survey group kaugnay sa isinasagawang pagpupulso nito sa damdamin ng taumbayan.

At kung may dakilang aral man na dapat matutunan sa nangyaring halalan lalo na sa mga sumalaula,umalipusta at nambalahura kay Bongbong at kanyang pamilya,yun ay NE­VER PUT A GOOD MAN DOWN!

HAIL TO THE 17TH PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES,HIS EXCELLENCY FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected].