Publiko binalaan vs imported candles na may lead

Publiko binalaan vs imported candles na may lead

October 30, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ang pag-alala sa mga pumanaw na mahal sa buhay ay hindi nangangahulugang kakalimutan na ang sariling kalusugan.

Sa paggunita ng mga Pilipino sa All Saints’ at All Souls’ Days, o Undas, nagpaalala ang environment watchdog EcoWaste Coalition sa publiko na huwag gumamit ng imported candles na may lead-cored wicks, sa sementeryo, sa columbarium, o sa bahay.

“While locally made candles have braided cotton as wicks, some imported candles, especially those sold at specialty stores selling Chinese prayer articles, may still have lead-cored wicks despite a public health advisory issued by the government,” pahayag ni EcoWaste National Coordinator Aileen Lucero.

“To avoid lead poisoning risk, please steer clear of candles with metal wire in the wick unless certified non-toxic and safe,” dagdag niya.

Iginiit pa ng grupo na ang pagsindi ng kandila na may lead-cored wicks ay posibleng masinghot at magdulot ng  “imminent hazard to the public health”, partikular na sa mga sanggol sa sinapupunan at sa mga bata.

Sinimulan ng EcoWaste ang kampanya na ipagbawal ang kandila na may lead-cored wicks noong 2012 matapos matuklasan ang lead na may 34,800 hanggang 62,900 parts per million (ppm) sa pitong imported candles mula sa Binondo, Manila. RNT/SA