Publiko binalaan vs nagpapanggap na DBM chief

Publiko binalaan vs nagpapanggap na DBM chief

October 1, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko laban sa mga scammer na nagpapanggap bilang si Secretary Amenah Pangandaman.

Sa isang kalatas, itinanggi ng DBM ang Facebook account na ang  holder  ay isang nagngangalang Aminah F. Pangandaman na  “promises to facilitate transactions with the DBM.”

Kaagad na idineklara ng  DBM  na huwad at  peke ang nasabing transaksyon na ginawa ng isang impostor sa  Facebook.

“This is to warn the public against transacting with the Facebook account Amenah F. Pangandaman. The said account entices the public with a promise of financial assistance to be paid through [virtual wallet] GCash, then asks for the personal pin (personal identification number) to be able to access the public’s account,” ayon sa  departamento.

Kaya nga, hinikayat ng DBM ang pubiko na mas maging “vigilant and discerning,” sabay sabing hindi nito kukunsintihin at papayagan ang sinumang indibiduwal o grupo na mag-solicit ng pera kapalit ng mabilis na transaksyon.

“The Department upholds with integrity, diligence, and transparency, the provisions of existing laws, rules, and regulations on the release of all funds,” ayon sa DBM.

“We, at the DBM, under the leadership of Secretary Pangandaman, condemn such fraudulent activities and are coordinating with proper authorities to investigate, determine, as quickly as possible, those who perpetuate the scam, and to allow them to face the full force of the law,” dagdag na pahayag pa ng DBM.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng DBM ang publiko na kaagad na isumbong ang kahalintulad na  kaso at iba pang kahina-hinalang aktibidad. Mangyaring tumawag lamang sa ayon sa DBM sa numerong (02) 865-7-3300.

Tiniyak ng departamento na ang lahat ng impormasyon ng magsisilbing ‘tipsters’ ay  “will be treated with the utmost confidentiality.”

“We reiterate that our mandate is to manage the people’s money, and its processes are clearly outlined in the Citizen’s Charter, which you may find in our offices and on our official website,” ayon sa DBM.

“We will not tolerate or condone false representation or solicitation of this kind in any way, shape, form, opportunity, or manner, as these are illegal and unlawful,” dagdag na pahayag pa rin nito.

Nauna rito, pinag-iingat na ng DBM ang publiko laban sa mga fake solicitation activities ng mga taong nagpapanggap na empleyado ng departamento.

Sa katunayan, nagpasaklolo na ang DBM sa Department of the Interior and Local Government at National Bureau of Investigation  upang tugisin ang mga  taong nasa likod ng mapanlokong solicitation schemes. Kris Jose