Publiko binalaan vs nagpapanggap na si Cascolan

Publiko binalaan vs nagpapanggap na si Cascolan

September 22, 2020 @ 2:25 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police sa publiko laban sa  “cybercrime swindling operation” ng isang indibidwal na nagpapanggap na si PNP chief Police General Camilo Pancratius Cascolan.

“We welcome well-meaning messages and posts on social media that assist us in reaching out to the public, but we will not allow the name of the PNP and its officials to be misused for shady activities,” paliwanag ni PNP spokesperson Police Colonel Ysmael Yu sa press statement.

Batay sa PNP Anti-Cybercrime Group, gumawa ang poser ng Facebook account sa ilalim ng pangalan ni Cascolan.

Kasalukuyan namang natukoy na ng mga imbestigador kung sino ang nasa likod nito.

“Arrest is imminent as soon as a warrant of arrest is obtained,” ayon kay PNP-ACG chief Police Brigadier General Dennis Agustin.

Sa datos mula sa PNP-ACG nitong September 17, nasa 76 indbidwal na ang napanagot sa  113 magkakahiwalay na kaso ng cybercrime-related offenses habang 27 ang naaresto.

“The PNP has stepped-up anti-cybercrime operations in anticipation of possible surge in cybercrime incidents or non-contact crime cases in areas under community quarantine where a 47% drop in traditional crime trend was experienced as a direct result of strict border control, travel restrictions, and rigid quarantine control protocols,” lahad pa ni Yu. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...