Publiko, buo ang tiwala sa AFP sa pagsugpo ng terorismo sa bansa: SWS survey

Publiko, buo ang tiwala sa AFP sa pagsugpo ng terorismo sa bansa: SWS survey

March 4, 2020 @ 11:58 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Tiwala ang publiko na kayang talunin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga teroristang grupo sa bansa.

 

Sa pinakahuling survey ng SWS na kinomisyon noong huling quarter ng 2019, nasa 1,200 indibidwal ang tinanong hinggil sa kapasidad ng hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas.

 

Sinabi naman ni SWS Deputy Director Vladimyr Joseph Licudine sa Kapihan sa Manila Bay na nakakuha ang AFP ng 75% satisfaction rating kung saan pinakamalaking parte nito ay nagmula sa Visayas at  Mindanao.

 

Nakakuha naman ng gradong 62% satisfaction rating ang AFP sa tanong hinggil sa  pagdepensa nito sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

Ayon kay Licudine, malaking bahagi ng positibong tingin ng publiko sa hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas  ang tagumpay ng militar sa marawi, ang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad at maging ang mga palabas sa telibisyon na naka base sa buhag militar. Jocelyn Tabangcura-Domenden