Publiko inalerto sa pagbaha sa ilang rehiyon

Publiko inalerto sa pagbaha sa ilang rehiyon

July 21, 2021 @ 6:48 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA) ng General Flood Advisories (GFA) sa ilang lalawigan ng bansa na posibleng pagbaha kasunod ng paggalaw ng mata ng bagyong Fabian (In-fa) patungo sa Northern Luzon, ika-3 ng Miyerkules.

Itinaas ang GFA #9 sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 1 (Ilocos Region) kung saan namataang papalapit ang mata ng bagyo. 

Kabilang dito ang lalawigan ng Benguet, Abra, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Ifugao, La Union, Ilocos Norte, Pangasinan at Ilocos Sur.

Nasa GFA #9 rin ang Region 4-B (MIMAROPA) kabilang ang kalakhang probinsya ng Palawan, Occidental Mindoro, Romblon at Oriental Mindoro na may posibilidad na bumaha dulot ng malakas na pag-ulan.

Nasa GFA #6 naman ang Region 3 (Central Luzon) kabilang ang lalawigan ng Bataan, Aurora, Zambales, at Bulacan.

Itinaas naman sa GFA #4 ang Region 2 (Cagayan Valley) partikular na ang lalawigan ng Cagayan at Nueva Vizcaya.

GFA #2 naman ang itinaas sa Region 4-A (CALABARZON) na may posibilidad ng pagbaha sa lalawigan ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal.

Ang mga taong naninirahan malapit sa bundok, mabababang lugar at malapit sa mga ilog mula sa mga nabanggit na lalawigan ay inaabisuhang maging alerto sa posibilidad ng pagbaha at pagkakaroon ng landslides.

Ang anunsyong ito ay ipinaaabot rin sa lahat ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council ng bawat lalawigan. RNT/Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •