Publiko kinalma sa binabantayang 2 Omicron sublineages ng WHO

Publiko kinalma sa binabantayang 2 Omicron sublineages ng WHO

April 13, 2022 @ 3:49 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinawi ng Department of Health (DOH)  ang pangamba ng publiko ukol sa dalawang Omicron sublineages na binabantayan ngayon ng World Health Organization sa Europe at Africa.

Ito ay particular na nadiskubre sa South Africa, Botswana, Belgium, Denmark at United Kingdom.

Ayon sa DOH, sa ngayon ay hindi pa naman ito maituturing na banta lalo’t wala pang naiuulat na kritikal na kaso nito sa South Africa.

Batay din sa isinagawang genome sequencing ngayong Abril ay walang nakitang kaso ng Omicron XE sa Pilipinas.

Sa kabila nito, patuloy na magbabantay ang ahensya sa mga recombinant variant na posibleng nakapasok na sa bansa. RNT/ JCM