Publiko pinag-iingat ng Malakanyang vs disinformation sa booster shot

Publiko pinag-iingat ng Malakanyang vs disinformation sa booster shot

January 24, 2022 @ 10:01 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tinawagan ng pansin ng Malakanyang ang publiko na mag-ingat sa isa na namang pagkalat ng maling impormasyon na ang layunin ay iligaw ang mamamayan at targetin ang booster shot campaign ng pamahalaan.

Sinabi ni Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ginamit pa ng mga nasa likod ng disinformation campaign ang lumang video clip ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na duon ay sinabi ng Pangulo na tama na ang dalawang doses ng bakuna.

“We reiterate that there is clear evidence that COVID-19 booster shots provide additional protection against the virus, and urge the public to refrain from sharing disinformation that will endanger the lives of our kababayan, compromise our efforts to contain COVID-19, and undermine our campaign to beat the disease,” ayon kay Nograles.

Ang video clip na ipinakalat ani Nograles ay pahayag noong September 30, 2021 ni Pangulong Duterte na duon ay hinihikayat ang lahat na magpabakuna at madagdagan pa ang nuon ay 21 million fully vaccinated habang hinihintay ang approval para sa pagbibigay ng booster shot na sa huli ay naaprubahan naman ng buwan ng Nobyembre.

“We have recently been informed that a video clip of President Rodrigo Roa Duterte recorded on September 30, 2021— in which he states that two doses of the COVID-19 vaccine are sufficient (“tama na ‘yang dalawang doses”) — is being shared and utilized by some groups to campaign against the administration of COVID-19 booster shots,” ani Nograles.

Sa kanyang public address nuong December 21, 2021 ay hinikayat naman ng Chief Executive ang lahat na samantalahing sapat ang suplay ng bakuna at magpaturok na ng booster shot para sa mga nakakumpleto na ng primary doses.

“The said video clip should be viewed in the proper context. At that point, 21 million of our countrymen were fully vaccinated, and our priority was to increase this number, which is why the provision of booster shots had yet to be approved,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Nograles na iba na ang situwasyon ngayon.

“Last November, upon the recommendation of our health experts, the government approved the use of booster doses for all fully vaccinated individuals as we had ample supplies of vaccines and a substantial percentage of our population was already fully vaccinated.
To further encourage the public to get their booster shots, the President in his December 21, 2021 address enjoined the public to “take advantage” of the country’s sufficient supply of vaccines against COVID-19 and get their booster shots to control the spread of the highly-transmissible Omicron variant,” paliwanag ni Nograles.

Kaya malinaw aniya na nais palabasin ng mga nasa likod ng nagkakalat ng lumang video clip ng Pangulo na di na kailangan pang magpa- booster shot na aniya’y malaking panlilinlang.

Kaya ang babala ng Malakanyang, huwag magpadala sa ganitong uri ng disinformation na naglalagay aniya sa peligro ng bawat mamamayan at nagko- kompromiso sa kampanya ng pamahalaan para labanan ang COVID 19. Kris Jose