Publiko pinag-iingat sa mga online transaction sa holiday season

Publiko pinag-iingat sa mga online transaction sa holiday season

December 2, 2022 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group ang publiko laban sa mga online kawatan lalo na ngayong holiday season.

Sinabi ni PNP Anti-Cyber Crime Group spokesperson Lt. Michelle Sabino sa Laging Handa public briefing nitong Biyernes, Disyembre 2 na lahat ng pamamaraan ay gagawin ng mga kawatan upang maikasa ang kanilang modus.

Kaya ang payo ni Sabino sa publiko ay maging maingat sa mga online transactions lalo na’t tiyak na nag-iisip isip din ang mga online scammers ng mga modus para sa kanilang gagawing pambibiktima.

Sa kabilang dako, hinikayat ni Sabino ang publiko na bisitahin ang kanilang Facebook page na PNP Anti-Cyber Crime Group at doon ay makikita kung paano anila ginagawa ang panloloko.

Wika pa ni Sabino,  simula Enero 1 hanggang Nobyembre 23, 2022,  pinakamataas na naitala nilang cybercrime ay estafa o swindling na sinundan ng hacking, identity theft, online libel, grave threat at anti- photo at video voyeurism. Kris Jose