Publiko pinakakalma ng DND sa terror alert ng Japan

Publiko pinakakalma ng DND sa terror alert ng Japan

September 15, 2021 @ 8:54 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinakakalma ng Department of National Defense (DND) ang publiko dahil sa ibeberipika pa nila ang natanggap na banta mula sa Japanese Ministry of Foreign Affairs sa Pilipinas at lima pang bansa sa Southeast Asian.

Ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong, naa-appreciate ng DND ang terrorism advisory na inisyu ng Japanese Ministry of Foreign Affairs.

“As with all reports concerning the safety and security of our communities, the aforementioned advisory will be subjected to the process of validation.”

Batay kay Andolong, patuloy ang ‘state of heightened alert’ ng DND at Armed Forces of the Philippines (AFP) buhat noong Marawi City siege noong 2017.

Patuloy rin ang  DND and AFP sa ilan pang ahensya tulad ng Anti-Terrorism Council (ATC). RNT/FGDC


  •  
  •  
  •